Binigyan na ng go signal ng kanyang doktor ang golf star na si Tiger Woods para makapaglaro.
Ayon sa agent nito na si Mark Steinberg, nakakuha na si Woods ng clearance mula sa kanyang doktor matapos itong magkaroon ng injury sa likod noong Pebrero.
Nag-post din si Woods na kanyang social media account ng larawan habang siya ay nagsasanay sa pag-go-golf.
Ilang buwang isinailalim si Woods sa rehabilitation para magpahinga at tuluyang magpagaling mula sa kanyang injury.
—-