Nagbanta ng posibleng tigil-pasada at umento sa pasahe ang mga transport group.
Ito’y bunsod ng isinusulong na pagpapataw ng excise tax sa petroleum products na maaaring magdulot ng taas-presyo na hanggang anim na piso sa diesel.
Sa panayam ng DWIZ, iginiit ni Efren de Luna, Pangulo ng ACTO o Alliance of Concerned Transport Operators na ihihirit na nila ang dagdag na pasahe sa jeepney.
Binigyang diin ni de Luna na hindi napapakinggan ang panig ng mga tsuper at operator sa panukalang excise tax na ipapataw sa diesel.
Bahagi ng pahayag ni ACTO President Efren de Luna
Excise tax
Namemeligrong sumipa ng hanggang sampung (P10) piso ang minimum na pasahe sa jeepney sa sandaling aprubahan ng Kongreso ang pagpapataw ng excise tax sa mga produktong petrolyo.
Ito’y makaraang imungkahi ng Department of Finance sa House Ways and Means Committee ang anim na pisong dagdag buwis sa kada litro ng diesel.
Ngunit ayon sa finance department, dahil sa mayroon pang Value Added Tax o VAT sa langis, posibleng pumalo sa (P6.72) ang kabuuang dagdag-buwis.
Ibig sabihin, papalo na sa trentay siete (P37) hanggang trentay otso (P38) pesos na ang magiging presyo kada litro ng diesel mula sa kasalukuyang trenta’y uno (P31) hanggang trentay dos (P32) pesos kada litro.
Bukod sa diesel, nais ding patawan ng finance department ng excise tax ang gasolina, kerosene, LPG at fuel oil kapag nailusot na ang dagdag-buwis.
By Jelbert Perdez | Ratsada Balita