Kasado na bukas ang tigil pasada ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide o PISTON.
Ayon kay PISTON National President George San Mateo, ito ay bilang patuloy na pagtutol sa jeepney modernization program ng gobyerno na anila’y nagbabalat-kayong phaseout talaga ng mga pampasaherong jeep.
Giit ni San Mateo, walang patutunguhan ang mga driver at operator sa sinasabing modernisasyon ng gobyerno kundi ang bumili ng mga unit na sang ayon sa mga rekisito ng pamahalaan.
Magiging sentro umano ng mga protesta sa Metro Manila ang Cubao at Novaliches sa Quezon City, Anda Circle sa Maynila, Monument sa Caloocan at Alabang sa Muntinlupa.
Asahan ding mararamdaman ang tigil pasada sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas at Rizal.