Maglulunsad ng tigil pasada sa Biyernes ang isang malaking transport group na nakabase sa lahat ng SM malls sa Metro Manila.
Ayon kay Mar Valbuena, pangulo ng SM Malls Integrated Transport Terminals Federation, ito’y bunsod ng panggigipit sa kanila ng Supermalls Transport Services Inc. kasama na ang pagtaas ng 100% sa upa sa kanilang mga puwesto sa mga SM malls, sa kabila ng kawalan ng kontrata at pagkuha ng ibang transport groups na katulad ng kanilang mga ruta.
Target aniya nilang maapektuhan ang kalahating milyon nilang mga pasahero.
Gayunman, sinabi ni Valbuena na sa umaga ay bibiyahe pa sila para maghatid ng mga papasok na pasahero bago sila titigil sa pagpasada at muli na lang sila papasada sa gabi para ihatid pauwi ang kanilang mga pasahero.
By Meann Tanbio