Ini-atras na ng mga transport group, sa pangunguna ng Liga ng Transportasyon at Operator ng Pilipinas (LTOP) ang plano nilang malawakang tigil-pasada.
Ito’y makaraang kumpirmahin ni LTOP National President Rolando “Ka Lando” Marquez na nag-usap na sila ng ilang opisyal ng Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Pinapurihan naman ni Ka Lando ang naging panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kongreso na rebisahin na ang Downstream Industry Deregulation Act of 1998 o Oil Deregulation Law.
Nagpapasalamat din anya sila sa sektor ng transportasyon sa ipagkakaloob na fuel subsidies ng gobyerno sa gitna ng walang–prenong pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.