Magpapatawag ng pulong balitaan ngayong araw ang transport group na Stop and Go Coalition.
Ito’y para ipaliwanag ang resulta ng kanilang pakikipagpulong sa LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board noong isang linggo.
Una rito, iniatras na ng grupo ang ikinasa nilang tatlong araw na tigil pasada bilang pagtutol sa total phaseout sa mga jeepney.
Bagama’t ikinasa ng grupo ang kanilang tigil pasada, hindi rin nila inanunsyo kung kailan nila iyon balak isakatuparan.
By Jaymark Dagala