Mahigpit na naka-monitor ang MMDA sa tigil pasada ng mga jeepney operators at drivers ngayong araw na ito.
Tiniyak ito ni MMDA General Manager Undersecretary Frisco San Juan, Jr. para mabatid nila kung anu-anong mga lugar sa Metro Manila ang kailangang pagdalhan ng mga bus at truck para isakay ang mga pasaherong posibleng ma stranded.
Sinabi ni San Juan, na naka puwesto na ang mga bus at truck ng mmda para dalhin ang mga commuter sa Edsa bus carousel.
Tinatayang dalawampung sasakyan kabilang ang 11 van at tatlong military truck ang uubrang magamit para sa libreng sakay.