Tuloy na tuloy ang ikinakasang tigil pasada ng grupong PISTON o Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operators nationwide sa Lunes, June 5.
Ayon kay PISTON President George San Mateo, tinututulan pa rin nila ang isinusulong ng gobyerno na pag-phase out ng mga jeep na may edad kinse (15) pataas.
Iginigiit ni San Mateo na anti-poor ang pag-phase out sa mga matatandang jeep.
Bukod sa Metro Manila, sasabay din sa kilos protesta ang mga miyembro ng PISTON sa Aklan, Capiz, Iloilo at Negros Occidental gayundin sa Central Luzon, Bicol at Southern Tagalog.
Susugod naman ang PISTON-Mindanao sa mga tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) sa General Santos City at Cagayan de Oro City.
By Judith Larino
Tigil pasada ng PISTON sa Lunes kasado na was last modified: June 3rd, 2017 by DWIZ 882