Pangkalahatang naging mapayapa ang isinagawang pambansang tigil pasada ng mga transport groups.
Batay ito sa naging pagtaya ng Philippine National Police (PNP) matapos ang nationwide transport strike kahapon.
Ayon kay PNP Spokesman Brig. Gen. Bernard Banac, nananatiling maayos ang sitwasyon sa kabuuan ng tigil pasada at wala rin silang naitalang anumang untoward incidents.
Samantala, pinuri naman ni Banac ang ipinagkaloob na libreng sakay ng mga Local Government Units, Police Stations at ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para bigyang ayuda ang mga na-stranded na pasahero.
Magugunitang, pinangunahan ng mga grupong Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), Stop and Go Coalition at Pagkakaisa ng mga samahan ng Tsuper at Operators (Piston)ang Nationwide tigil pasada kahapon.