Nagpatupad ng unilateral ceasefire ang NPA o New People’s Army sa Hilagang Silangang bahagi ng Mindanao.
Kasunod ito ng pagtama ng magnitude 6.7 na lindol sa lalawigan ng Surigao Del Norte na naramdaman sa ilang bayan ng Agusan Del Norte.
Ayon sa NPA, nagsimula ang tigil putukan mula Pebrero 11 at magtatapos sa Pebrero 20 na naglalayong paraanin ang mga dumarating na tulong sa mga apektado ng lindol.
Kasunod nito, umaasa ang National Democratic Front of the Philippines na tatapatan din ng pamahalaan ang idindeklara nilang tigil putukan.
By Jaymark Dagala | With Report from Aya Yupangco