Nanawagan si Kidapawan North Cotabato Bishop Jose Colin Bagaforo ng tigil-putukan sa pagitan ng mga rebelde at gobyerno ngayong Semana Santa.
Ayon kay Bagaforo, nananatili pa ring aktibo ang operasyon ng Communist Party of the Phillipines-New People’s Army (CPP-NPA) sa mga bayan ng Magpet, Arakan, Makilala at Antipas sa North Cotabato.
Giit ni Bagaforo, mahalagang igalang ang pananampalataya ng sinoman gaya ng paggunita ng Simbahang Katolika sa Mahal na Araw.
Ito rin umano ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga Katoliko na magawa ang mga aktibidad na may kauganayan sa Semana Santa nang may kapayapaan.
Kasabay nito, inihayag ni Bagaforo na nananatili siyang umaasa na muling babalik sa negosasyon hinggil sa usapang pangkapayaan ang gobyerno at ang grupo ng mga rebelde.
—-