Iginiit ng grupong Bayan Muna at Laban Konsyumer na dapat nang itigil ng Maynilad at Manila Water ang paninigil sa kanilang mga customer ng environment charge dahil sa kabiguan ng mga concessionaire na magtayo ng mga sewerage system.
Ayon kay Bayan Muna Chairperson Neri Colmenares, hindi na dapat ito binabayaran ng mga customer dahil hindi naman aniya natutupad ng mga ito ang kanilang pangako.
Sinabi naman ni Laban Konsyumer Pres. Vic Dimagiba na unfair ang naturang singil dahil hindi naman natatanggap ng mga customer ang serbisyo para sa kanilang binabayaran.
Ang environment charge ay para sa sewerage system na bigo umanong gawin ng mga concessionaire.
Ang kabiguang ito ang dahilan kung bakit pinagmulta ng Korte Suprema ng P1.8-bilyon ang Maynilad, Manila Water, at regulator na Metropolitan Waterworks and sSewerage System.