Hinikayat ni Senador Panfilo Lacson na huwag muna pag-usapan at pag-awayan ang umano’y “excessive, extravagant at questionable” na paggastos sa pag ho-host ng 2019 Southeast Asian Games.
Ayon sa senador, baka sa halip na mas pagtuunan ng pansin ang pag hohost ay maibaling ang atensyon sa kabi-kabilang isyu.
Mas maganda aniya kung pagkatapos na lamang ng SEA Games matalakay o kaya’y maimbestigahan ang mga ito.
Nangangamba rin si Lacson na baka dahil sa mga lumilitaw na isyu ay mawala sa focus ang mga atletang lalaban para sa Pilipinas.
Magsisimula ang 30th SEA Games sa Sabado, Nobyembre 30 na magtatapos naman sa Disyembre 11, Miyerkules.