Tuluyan ng inabandona ang Tigtabon Elementary School building sa Zamboanga City.
Nag-klase sa mga hall at ibang school building ang ilang mag-aaral ng Tigtabon Elementery School sa Tigtabon Island, Zamboanga City sa unang araw ng pagbabalik eskwela.
Ito’y makaraang abandonahin na ng tuluyan ang gusali ng nabanggit na paaralan dahil sa unti-unti nitong pagkasira simula pa noong 2009.
Ipinabatid na ng pamunuan ng eskuwelahan ang nabanggit na usapin sa Department of Education at humiling na ng major rehabilitation subalit wala umanong tugon ang kagawaran.
Bukod sa lumang gusali, pahirapan din ang pagpunta sa Tigtabon elementary school dahil kailangang bumiyahe ang mga guro ng 15 minuto hanggang kalahating oras sakay ng motor banca na isang uri ng sakripisyo para lamang mabigyan ng edukasyon ang mga bata sa liblib na isla.
By: Drew Nacino