Alam niyo ba na may sustansyang taglay ang pagkain ng Tikoy ?
Ang Tikoy o Nian Gao sa mandarin ay may malagkit at manamis-namis na lasang pagkain na inihahanda tuwing Chinese New Year.
Ayon sa mga eksperto, siksik sa carbohydrates ang sangkap ng Tikoy na glutinous rice o malagkit na bigas na nagbibigay enerhiya sa ating katawan.
Mainam ang Tikoy kung sasabayan din ito ng pagkain ng mga prutas.
Sa pamamagitan nito mas nadaragdagan ang nutritional value ng Tikoy.
Gayunman, mahirap tunawin ang Tikoy sa bituka at may kaakibat itong peligro lalo na sa mga taong nagsusuot ng pustiso na maaaring mabilaukan.
Samantala, paalala ng mga eksperto na hinay hinay lamang sa pagkain ng Tikoy dahil maaari rin tumaas ang blood sugar sa ating katawan.