Itinuturing na Federal Bureau of Investigation (FBI) na ‘National Security Concern’ ang social media platform na Tiktok sa Estados Unidos.
Ayon kay FBI Director Chris Way, may kakayahang kontrolin ng China ang ‘algorithm’ ng application na Tiktok kung saan kayang manipulahin nito ang nilalaman ng datos ng isang user at gamitin para mang-impluwensiya.
Maaaring gamitin ng China para sa pag-eespiya.
Samantala, sumagot ang Tiktok na hindi naka-imbak ang mga impormasyon ng mga US user sa China. —sa panulat ni Jenn Patrolla