Hindi usapin ng popularidad ang dahilan nang tila paghahabol ni Vice President Jejomar Binay sa endorsement ng Pangulong Noynoy Aquino sa 2016 Presidential elections.
Pananaw ito ng political analyst na si Professor Edmund Tayao na nagsabing makakatulong ang endorsement ni PNoy para malinis ang nadungisang imahe ni Binay dahil sa mga paratang ng korupsyon sa kaniya.
Malaking tulong din aniya sa kampanya ni Binay ang makinaryang ipagkakaloob ng Pangulo.
Sinabi ni Tayao na malaking advantage ang pagiging incumbent ng Pangulo kaya’t nililigawan ito para mag endorso sa isang kandidato.
Naniniwala rin si Tayao na hindi naililipat ang popularidad ng Pangulo at wala rin itong epekto sa mahahakot na boto ng isang kandidato.
By Judith Larino