Maaaring maging mitsa ng digmaan ang anumang maliit na insidente sa South China Sea kung hindi ititigil ng Amerika ang tila paghahamon nito ng gulo.
Ito ang inihayag ni Chinese Navy Admiral Wu Shengli nang makaharap niya sa pamamagitan ng tele-conference si US Chief of Naval Operations, Admiral John Richardson.
Nagpulong ang dalawang opisyal matapos ideploy ang isang US warship malapit sa Subi Reef na inaangkin ng Tsina sa Spratly Islands.
Ayon kay wu, isang seryosong usapin at peligroso ang pagpapadala ng barko ng Amerika sa mga pinag-aagawang teritoryo dahil posibleng masangkot ang kanilang mga pwersang militar na maaaring magresulta sa digmaan.
Umaasa anya sila na iiwasa ang Estados Unidos sa anumang sigalot na maaaring maging mitsa ng pagkalamat ng relasyon nito sa China.
Samantala, nagkasundo naman ang dalawang naval chief na ipagpatuloy ang dayalogo at tumalima sa mga protocol upang maiwasan ang anumang sigalot.
By Drew Nacino