Nasungkit ng Minnesota Timberwolves ang kanilang pagkapanalo sa kanilang laban kontra Phoenix Suns na nagtapos sa iskor na 116 – 114.
Tumabo ng 31 puntos si Derrick Rose na siyang nagbitbit sa koponan ng Timberwolves.
Nasayang naman ang pagtutulungan nina Devin Booker at Kelly Oubre ng Phoenix na humagod ng tag-18 puntos.
Dahil dito ay lalong nalaglag sa 4-20 win-loss record ang Phoenix sa kanilang karera ngayong season.