Nakatakdang dumating sa bansa ngayong araw si Democratic Republic of Timor-Leste Prime Minsiter Hernani Coelho da Silva.
Batay sa natanggap na abiso ng Department of Foreign Affairs (DFA), tatlong araw magtatagal ang official visit ni da Silva o hanggang Disyembre 19.
Bukas naman inaasahang bibisita si da Silva sa punong tanggapan ng DFA sa Pasay City.
Doon, sasalubungin siya ni DFA Secretary Albert del Rosario at lalagda rin ito sa guest book ng kagawaran.
Ito ang magsisilbing kauna-unahang pagbisita sa bansa ng Timor-Leste Prime Minister.
By Jaymark Dagala | Allan Francisco