Wala umanong tiyansang manalo kay Manny Pacquiao si Timothy Bradley Jr.
Ito’y ayon sa trainer at legendary Mexican coach ni Juan Manuel Marquez na si Ignacio “Nacho” Beristain.
Giit ni Beristain, kahit noong marinig pa lamang niya na magkakaroon ng trilogy bout sa pagitan nina Pacquiao at Bradley ay batid na umano niya kung sino ang mananalo.
Sinabi ni Beristain na kahit bago na ang coach ni Bradley sa katauhan ni Teddy Atlas ay hindi pa rin ito makatutulong para magwagi laban kay Pacquiao dahil hindi umano nagbabago ang estilo nito.
Sina Pacquiao at Bradley ay magbabasagan ng mukha sa ikatlong pagkakataon sa Abril 10 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.
By Jelbert Perdez