Halos 29% lamang o nasa 28.76 % nang tina-target mabakunahan sa San Juan City ang nakapagparehistro sa inoculation program ng lungsod.
Sinabi ni San Juan City Mayor Francis Zamora na ito na ang pinakamataas na porsyento ng local government na nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng registrants para sa vaccination roll out sa Metro Manila.
Ayon kay Zamora, nasa 24,559 registrants pa lamang na residente ng kanilang lungsod ang nais na magpabakuna bagamat ang pinakatarget nila ay nasa 85,400 para maabot ang herd immunity.
Tiwala aniya siyang madadagdagan pa ang mga nais magpabakuna kapag gumulong na ang vaccination program.
Nasa 112,000 ang kauubang populasyon ng San Juan City.