Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang Tinaga Island, Camarines Norte kaninang 5:57 ng umaga.
May lalim ang pagyanig na sampung kilometro at tectonic ang origin.
Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismoloy (PHIVOLCS) ang Instrumental Intensity V sa Daet, Camarines Norte;
Intensity III sa Jose Panganiban, Camarines Norte; Ragay, Iriga City, Camarines Sur; San Roque, Northern Samar;
Intensity II sa Pili, Pasacao, Camarines Sur; Infanta, Gumaca, Mauban, Guinayangan, Mulanay, Alabat, Quezon; at
Intensity I sa Pulilan, Bulacan; Pasig City, Marikina City, Metro Manila; Calauag, Quezon; at Taytay, Rizal.
Ayon pa sa PHIVOLCS, asahan ang pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.