Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang bahagi ng Camarines Norte pasado alas 6:00 kaninang umaga.
Ayon sa Phivolcs, natukoy ang epicenter ng pagyanig sa layong 24 na kilometro hilaga ng Tinaga Island, Camarines Norte.
May lalim itong isang kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Batay sa datos ng Phivolcs, naramdaman ang Intensity 4 sa Capalonga Camarines Norte, Intensity 2 sa Goa at Naga City Camarines Sur at Calauag Quezon, Intensity 1 sa Cainta Rizal.
Samanta, instrumental intensity 4 sa Jose Panganiban Camarines Norte, instrumental intensity 3 sa Gunayangan Quezon, instrumental intensity 2 sa Gumaca Mauban at Lopez Quezon; at instrumental intensity 14 sa Marikina City, Pasig City at San Rafael Bulacan.