Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang Tinaga Island (Vinzons), Camarines Norte ngayong araw ng Biyernes, ika-5 ng Pebrero dakong 6:00 ng umaga.
Ayon sa inilabas na tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang pagyanig ay may layong 55 kilometro silangang bahagi ng Tinaga Island (Vinzons).
May lalim itong 001 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Ayon sa Phivolcs, wala pang naitatalang ulat kung mayroong mga pinsala sa naturang lindol.
Nakapagtala naman ng Intensity IV sa Jose Panganiban, Camarines Norte;
Intensity III sa Guinayangan, Quezon;
Intensity II sa Gumaca, Mauban at Lopez, Quezon;
Intensity I sa Marikina City at Pasig City, Metro Manila; San Rafael, Bulacan.
#EarthquakePH #EarthquakeCamarinesNorte
#iFelt_CamarinesNorteEarthquake
Earthquake Information No.1
Date and Time: 05…Posted by Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) on Thursday, 4 February 2021