Muling masusubukan ang bangis ng tinaguriang diyos ng chess o chess god sa Rapid and Blitz Tournament sa St. Louis Missouri.
Labing dalawang taon matapos magretiro, babalik sa kumpetisyon ang dating world champion na si Garry Kasparov.
Makakaharap ni Kasparov sa chess tournament ang bagong henerasyon ng chess players na kumikilala sa kanya bilang chess god.
Si Kasparov ang pinakabatang naging world champion sa edad na 22 at nagdomina sa mundo ng chess mula 1985 hanggang year 2000.
By Len Aguirre