Wawalisin na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga tindahan ng pagkain na tinaguriang ‘Hepa Lane’ sa mga kalye ng ‘University Belt’.
Ito’y matapos matuklasan sa ikinasang sorpresang inspeksiyon ng Manila Sanitation Division ang tunay na kalagayan ng mga tindahan na nasa kariton lang at nakahilera sa kahabaan ng R. Papa mula sa Morayta sa nabanggit na lungsod.
Pinuna naman na naka-sando lamang ang ilang tindero habang walang takip at naka-tiwangwang ang mga ibinebentang pagkain sa lugar na paboritong kainan ng mga estudyante.
Maliban dito, sa gilid lamang din ng kalye niluluto ang mga pagkain at hindi din masiguro kung malinis ang lalagyan ng tubig.
Bunga nito, muling nagpaalala sa publiko ang mga awtoridad na huwag basta magtiwala sa murang presyo ng karne o pagkain posibleng hindi ito ligtas kainin.