Sinampahan ng mga kaso ng NBI sa Ombudsman ang isa sa tinaguriang Narco Generals na si retired General Marcelo Garbo, Jr. At may bahay nitong si Atty Rosalinda Garbo.
Ipinabatid ni NBI Anti Graft Division Supervisor Agent Nathaniel Ramos na ang mag asawang Garbo ay nahaharap sa mga kasong falsification of public documents, paglabag sa code of conduct and ethical standards for public officials and employees at anti graft and corrupt practices act.
Batay sa imbestigasyon ng NBI Anti Graft Division, may itinatagong yaman ang mag asawang Garbo na hindi nila idineklara sa kanilang SALN o Statement of Assets, Liabilities and Networth.
Hiniling rin ng NBI sa Ombudsan na isailalim sa forfeiture proceedings ang mag asawang Garbo para mabawi ang mga kuwestyonableng ari arian ng mga ito kabilang na ang isang property sa Amerika.