Maliban sa bakbakang Pacquiao – Mathysse bukas, inaabangan na rin ang paghaharap ng France at Croatia sa 2018 Fifa World Cup finals na gagawin bukas, 11:00 ng gabi, oras sa Pilipinas.
Inaasahang magiging matindi ang labanan sa pagitan ng dalawang bansa na maituturing ding rematch mula sa kanilang huling paghaharap noong 1998 sa semi-finals ng nasabing torneo.
Dahil dito, sinasabing pagkakataon na ito ng Croatia na agawin sa France ang kampiyonato sa prestihiyosong football game lalo’t kapwa malakas ang dalawang koponan.