Inaabangan na ang ihahayag na kontra SONA ni Vice President Jejomar Binay o tinatawag niyang True State of the Nation addRess o TSONA.
Gaganapin ito sa Cavite State University Gynamasium Indang, Cavite mamayang alas-4:00 ng hapon.
Ayon kay Atty. Rico Quicho, Political Spokesman ni Binay, tatalakayin dito ay ang mga isyung hindi mabigyan ng aksyon at bigong matakalay sa naging SONA ni Pangulong Noynoy Aquino.
Kabilang dito ay ang pagkamatay ng 44 na miyembro ng Special Action Force, Disbursement Acceleration Program o DAP, distribusyon ng Hacienda Luisita sa mga magsasaka, kurapsyon sa Department of Transportation and Communications, Department of Agriculture at iba pa.
Deadma si PNoy
Samantala, deadma ang Pangulong Benigno Aquino III sa sinasabing True State of the Nation Address ni Vice President Jejomar Binay mamayang hapon.
Ayon sa Pangulo, umiiiral naman ang demokrasya sa bansa kaya’t malaya ang sinuman na magpahayag ng kanilang saloobin.
Hindi rin anya siya umaasa na papabor ang lahat sa kanyang ipinahayag na SONA noong July 27.
Gayunman, sinabi ni PNoy na ayaw pa rin niyang pangunahan kung anuman ang sasabihin ng Bise Presidente mamayang hapon.
Karapatan ni VP Binay
Karapatan ni Vice President Jejomar Binay, na magpahayag ng sarili nitong True State of the Nation Address.
Ayon kay Senator Chiz Escudero, bukod sa prerogative ito ng Bise Presidente, mayroon din demokrasya ang bansa, at mayroong karapatan sa malayang pamamahayag ang mga Pilipino.
Sinabi ni Escudero na kanyang ginagalang ang gagawin ng Bise Presidente, at ang publiko na lang ang bahalang humusga sa mga nilalaman nito.
Samantala, suportado naman ni Senator JV Ejercito ang gagawing pahayag ng Bise Presidente, at sinabing karapatan ito ni VP Binay.
By Rianne Briones | Katrina Valle | Len Aguirre | Cely Bueno (Patrol 19)