Pumalo na sa isang milyong residente ang tinamaan ng cholera outbreak sa Yemen simula pa noong Abril.
Batay sa International Committee of the Red Cross, maituturing na record-breaking ang nasabing bilang at ito ay lubhang nakababahala.
Nabatid din na mahigit 2,000 dito ang namatay na dahil sa sakit.
Paliwanag ng Red Cross, halos 80 porsyento ng bansa ang kulang sa pagkain, malinis na tubig ganoon din sa pag-access sa health care.
Ang Yemen ang itinuturing na pinakamahirap na bansa sa Middle East kahit bago pa sumiklab ang giyera dito noong 2015.
—-