Umabot na sa mahigit isang milyon ang bilang ng tinamaan ng cholera sa gitna ng nagpapatuloy na civil war sa Yemen simula pa noong 2015.
Ayon kay World Health Organization o WHO Deputy Director General for Emergency Preparedness and Response Peter Salama, nasa 2,000 katao na ang namamatay dahil sa cholera epidemic.
Ito’y bunsod ng pagkasira ng mga medical facility sa Yemen dahil sa mga pambobomba.
Pinangangambahang madaragdagan ang nasabing bilang dahil sa inaasahang pagpasok ng tag-ulan sa Abril at Agosto.
Samantala, nasa sampung libo (10,000) na ang namamatay habang tinaya sa (3) tatlong milyon ang apektado ng digmaan sa pagitan ng mga Houthi Rebel na kaalyado ng Iran at gobeyrno ni President Abd-Rabbu Mansour Hadi na suportado naman ng Saudi government.
—-