Bumubuti na ang kalagayan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Region 4 Director Renato Brion matapos tambangan noong Lunes.
Ayon kay Police Supt. Chitadel Gaoiran, Spokesperson ng Special Investigation Task Group Brion, nagpapagaling na ang biktima sa Asian Hospital and Medical Center sa Alabang, Muntinlupa matapos sumailalim sa serye ng operasyon.
Una nang nag-alok ng P2 milyong pisong pabuya ang DILG para sa ikadarakip ng suspek sa pananambang kay Brion.
By Judith Larino