Ipinababalik ng MILF o Moro Islamic Liberation Front sa Committee on the Bangsamoro ang 28 probisyon na binura nila sa inihaing panukalang batas.
Ayon kay Congressman Rufus Rodriguez, Chairman ng Komite, sumulat kay House Speaker Feliciano Belmonte si MILF Chief Negotiator Mohagher Iqbal para iparating ang kanilang kahilingan.
Nagpahayag rin umano ng kahandaan si Iqbal na magtungo sa Kongreso upang talakayin ang mga ipinababalik nilang probisyon sa BBL.
Gayunman, sinabi ni Rodriguez na mahirap nang ibalik ang mga natanggal na probisyon dahil aprubado na ito ng komite.
By Len Aguirre | Jill Resontoc (Patrol 7)