Ibinalik na ang Philippine National Police o PNP ang security detail ni Senador Antonio Trillanes IV.
Ayon kay Trillanes, sa ngayon ay ang mga galing na lamang sa Armed Forces of the Philippines o AFP ang hindi pa naibabalik sa kanya.
Nilinaw ni Trillanes na hindi siya nagreklamo noong tanggalin sa kanya ang kanyang security detail.
Kung tutuusin aniya ay nagpapasalamat pa siya sa pagbibigay sa kanya ng security detail lalo na sa panahong ito na maraming opisyal ng pamahalaan ang napapatay.
Una nang ipinaliwanag ng PNP na bahagi ng comprehensive review ng mga naka-deploy na pulis ang pagbawi sa security detail ni Trillanes.
Samantala, sa panig ng AFP, binawi umano ang mga escort ni Trillanes dahil tapos na ang kanilang tour of duty sa senador.
(Ulat ni Cely Bueno)