Naka-umang na naman ang dagdag-presyo sa tinapay, gaya ng cake at iba pang pastries.
Ito ang ibinabala ni Philippine Fedaration of Bakers Association Incorporated Spokesperson at tinapayan Festival Founder Chito Chavez sa gitna nang patuloy na pagmahal ng itlog.
Ayon kay Chavez, otomatikong apektado ang operasyon ng mga lokal na panadero kung manipis ang supply at mataas ang presyo ng itlog, na isa sa pangunahing sangkap sa paggawa ng tinapay.
Kung tataas pa ang presyo, tiyak anyang magiging malaki ang problema ng mga producer dahil hindi naman sila maaaring magbawas ng ingredient, lalo ng itlog.