Isinusulong ng isang kongresista na maibalik ang tinapyas na budget ng Department of Health (DOH) para sa susunod na taon.
Ayon kay 1-Sagip Representative Rodante Marcoleta, kailangang maibalik ang higit P10B budget ng ahensya na magagamit para sa mga karagdagang pasilidad.
Aniya, nakababahala ang kakulangan ng mga kailangang medical facilities sa buong bansa.
Sa Metro Manila lamang aniya ay tumaas na ng higit 400% ang occupancy rate sa mga pampublikong ospital.
Matatandaang nasa P88B ang kabuuang alokasyon ng DOH sa ilalim ng 2020 general appropriations bill.