Pinapurihan ng mga guro, researcher, administrator at education professionals mula sa mga nangungunang unibersidad ang senado sa pagtapyas sa pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Inihayag ng Academics Unite for Democracy and Human Rights (ADHR) Na mas maiging gamitin na lamang ang pondo sa edukasyon at pandemic response sa halip na sa karahasan at panggigipit sa academic freedom.
Ayon kay Ateneo de Manila Professor Michael Pante, isa sa convenor ng ADHR, dapat ibuhos ang pondo sa pagbili ng mga kagamitan tulad ng mas maraming aklat para sa mga state university.
Iginiit din ng Congress of Teachers-Educators for Nationalism and Democracy na ang pag-defund sa NTF-ELCAC ay isang hakbang patungo sa tamang direksyon ng pagbuwag sa nabanggit na ahensya.
Magugunitang binawasan ng Senate Finance Committee ang budget ng NTF-ELCAC, na sumadsad na lamang sa P4 billion mula sa dating P28 billion. —sa panulat ni Drew Nacino