Tinatayang 170 pamilya ang nagsilikas bunsod ng sunog sa isang LPG facility sa Calaca, Batangas, na nagsimula kahapon.
Dakong alas 4:00 ng hapon nang magsimula ang sunog sa storage area ng Phoenix Petroterminals and Industrial Park sa barangay salong na umabot sa general alarm.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, sanhi umano ng pagkalat ng apoy ang pagsabog ng isang hydraulic hose.
Samantala, nananatili sa Puting Bato West Elementary school, Dacanlao High School, balayan Baywalk at Calaca Central School ang mga apektadong pamilya habang patuloy na inaapula ang sunog.
By: Drew Nacino