Umaabot sa 1.5 hanggang 2 trilyong dolyar kada taon ang napupunta lamang sa panunuhol at katiwalian sa buong mundo.
Ayon sa International Monetary Fund o IMF, ito ang dahilan kayat maraming ekonomiya ang bumabagsak at patuloy na sumasama ang takbo ng social services para sa mahihirap.
Sinabi ni Christine Legarde, Managing Director ng IMF, na ang panunuhol pa lamang ay umaabot na sa dalawang porsyento ng global gross domestic product.
Karaniwan anyang ginagawa ang panunuhol upang mapabilis ang transaksyon na inaakalang makakatulong sa mabilis na paggulong rin ng ekonomiya.
Subalit ayon kay Lagarde, karaniwang ang mga maruruming pera ay inilalabas sa isang bansa kayat hindi rin ito nakakatulong sa ekonomiya.
By Len Aguirre