Halos kalahati ng mga batang nakatira sa isang barangay ng Tacloban City na lubhang napinsala ng bagyong Yolanda noong 2013 ang kulang sa nutrisyon o malnourished.
Ayon kay Teresita Malquisto, barangay chair ng Barangay 43-B, 1,500 sa 2,000 residente ng kanilang barangay ang informal settlers sa ngayon.
Wala aniyang magawa ang mga magulang sa kalagayan ng kanilang mga anak dahil karaniwang pagbebenta ng basura lamang ang kanilang ikinabubuhay.
Sinisikap naman ‘di umano ng mga health workers na matulungan ang tinatayang 300 batang malnourishes sa Barangay 43-B.