Tinatayang 4 na Milyong mga Pilipino ang sinasabing bumitiw na sa paninigarilyo dahil Sin Tax Reform Act of 2012.
Ayon kay Dr. Antonio Dans ng University of the College of Medicine, bumaba ang bilang ng mga naninigarilyo ng 23.3 percent nuong 2015.
Kapansin pansin na ang karamihan sa mga ito ay nagdesisyon huwag subukang manigarilyo kumpara sa mga taong tumigil sa naturang bisyo.
Una nang ipinasa ang Sin Tax na naglalayong mapababa ang mga Pilipinong nagkakasakit at namamatay dahil sa sigarilyo at alak kasabay nito ay ang pagtaas naman ng kita ng gobyerno.
By: Rianne Briones