Tinatayang siyamnapung (90) migrants ang pinangangambahang nasawi sa paglubog nang sinasakyang barko sa karagatang sakop ng Libya.
Ayon sa International Organization for Migration, karamihan sa mga sakay ng nasabing bangka ay Pakistani nationals na pinakamarami sa mga nagtatangkang tumawid patungong Italy mula sa North Africa.
Ipinabatid pa ng IOM na tatlo na ang naitalang survivor at sampung labi na ang nakukuha at kabilang dito ay dalawang Libyan at walong Pakistani.
Tuloy-tuloy pa ang operasyon ng Libyan Coast Guard para makahanap pa ng survivors.
—-