Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na halos 90% na ng nasa 85,000 guro sa National Capital Region (NCR) ang nabakunahan na laban sa COVID-19.
Ayon kay DepEd NCR–Regional Director Wilfredo Cabral, mas malaki ang porsyento ng mga nabakunahang guro sa Metro Manila kumpara sa national average na 80%.
Aniya, dahil dito ay posible nang matuloy ang face-to-face classes sa rehiyon matapos ang pagbaba ng alert level.
Simula kahapon hanggang Pebrero a–15 ay mananatili sa ilalim ng alert level 2 ang Metro Manila dahil sa downtrend ng mga bagong COVID-19 cases. —sa panulat ni Mara Valle