Nilamon ng apoy ang tinatayang 200,000 pisong halaga ng mga ari-arian matapos masunog ang isang bahay sa Barangay Bahay Toro sa Quezon City.
Ayon sa Bureau of Fire Protection o BFP, nagsimula sa ikalawang palapag ng bahay sa Carmel 3 Subdivision ang sunog na umabot sa unang alarma bago naapula.
Samantala, nasunog din ang isang gusali sa Escolta sa Maynila.
Nagsimula ang pagsiklab ng apoy sa Santa Cruz Building hanggang sa matupok ang dalawang palapag ng gusali.
Umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago idineklarang kontrolado ng BFP.
Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa mga nasabing insidente.