Isang sunog ang sumiklab sa isang tindahan ng medical supplies sa Sta. Cruz, Maynila.
Nagsimula ang insidente alas-10 kagabi na umabot sa ikalawang alarma, at pasado alas -12 ng madaling araw nang ideklarang fire out ng Manila Bureau of Fire Protection ang sunog.
Ayon sa BFP, tinatayang aabot sa P 11 – M ang halaga ng pinsala ng sunog.
Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng sunog na sinasabing nag-umpisa sa ikalawang palapag ng naturang gusali.