Muling umatake ang mga hinihinalang miyembro ng kilabot na Martilyo Gang sa lungsod ng Maynila, ngayong Nuwebes, Oktubre 26.
Mag-aalas kwatro ng hapon nang basagin at pagnakawan ng grupo estante ang gold buyers jewelry shop sa Harrison Plaza Mall sa Malate.
Ayon kay Rolly Garcia, security supervisor ng mall at retiradong pulis, batay sa kuha ng CCTV ay naka-sombrero ang mga umatakeng lalaki at agad na nakatakas.
Tatlong beses aniyang nagpaputok ang limang lalaki bago pinukpok ang istante ng mga alahas at tinangay ang ilang singsing, relos, bracelet, at kwintas.
Dumaan ang mga hindi pa nakikilalang salarin sa entrada ng Shopwise na may lusutan patungong Harrison Plaza kaya’t hindi naharang ng mga guwardya.
Bagaman walang nasaktan sa pag-atake, hindi pa mabatid ang halaga ng mga tinangay na alahas ng grupo.
#PANOORIN Tindahan ng mga alahas sa Harrison Plaza sa Malate, Manila, inatake ng Martilyo Gang. |via Patrol 5 Aya Yupangco pic.twitter.com/cEEf77XTnf
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) October 26, 2017
#PANOORIN Martilyo Gang na umatake sa Harrison Plaza, hindi lahat ng alahas ninakaw. |via Patrol 5 Aya Yupangco pic.twitter.com/JDCuh3DQsa
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) October 26, 2017