Sugatan ang 3 katao matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Legazpi City, Albay
Ayon sa imbestigasyon ng awtoridad, nag-iinuman sa harap ng tindahan sina Neleo Armenia, 50-anyos at Francisco Alejo, 30 -anyos habang bumibili naman sa nasabi ring tindahan si Noel Maravilla, 54-anyos
Nang sunod-sunod na paputukan ng dalawang hindi nakilalang suspek
Dahil dito, tinamaan ng mga bala ang mga biktima na kapwa mga basketball referee
Mabilis namang isinugod sa ospital habang tumakas ang dalawang suspek patungo sa direksyon ng Brgy. Mariawa.
Narekober naman ang ilang basyo ng bala mula sa pinaniniwalaang M16 Armalite Rifle sa lugar
Pinaghihinalaang mga komunista ang mga suspek na posibleng napagkamalang mga nakasibilyang pulis ang mga biktima habang nasa harap ng tindahan.