Iniimbestigahan ng Czech Police ang isang tindahan sa Prague na di umano’y nagbebenta ng maskara ni Adolf Hitler.
Kabilang ang mga sibilyan sa Czech Republic sa mga namasaker at ipinadala sa concentration camps noong panahon ni Hitler bilang leader ng Nazi Germany.
Sa kanyang Twitter account, isinapubliko ni German Ambassador Christoph Israng ang mga ibinebentang larawan subalit hindi nito pinangalanan ang shop.