Patay ang isang tindero matapos itong malunod sa dagat sa Brgy. Calao-an, Candon, Ilocos Sur.
Kinilala ang biktimang si Domell Peñaloza, 21 anyos.
Batay sa ulat, lasing ang biktima nang mapagdesisyunan nitong lumangoy kasama ang kanyang mga kaibigan.
Tinangay ito ng malakas na alon, at maya-maya, nakita na lang na palutang-lutang ang katawan nito sa dagat.
Binigyan pa ang biktima ng CPR bago isinugod sa ospital kung saan ito idineklarang patay.